Metro Manila Integrated Terminal Exchange (ITX) for Provincial Bus & PUBs

Muling pinapaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga pasahero na nais bumiyahe palabas at papunta ng Metro Manila na mananatiling pick-up at dropoff pointng mga Provincial Public Utility Bus (PUB) ang mga Integrated Terminal Exchange (ITx) sa loob at malapit sa NCR.

Base sa inilabas na Memorandum Circular no. 2020-051, ang mga sumusunod na terminal ay gagamitin ng mga Provincial PUB para magsakay at magbaba ng mga pasahero:

1) Araneta Center Bus Terminal (NCR to Region III and vice versa)
2) Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx, NCR to Region IV-A, IV-B, V, and vice versa)
3) Valenzuela Gateway Complex (VGC, NCR to Region III and vice versa)
4) North Luzon Express Terminal (NLET, NCR to Region I, II, CAR, and vice versa)
5) Santa Rosa Integrated Terminal (SRIT, NCR to Visayas, Mindanao, and vice versa)

provincial-bus-integrated-terminal-exchange-metro-manila

Base sa inilabas na Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution no. 101 noong ika-26 ng Pebrero 2021, lahat ng provincial PUB ay magsasakay at magbababa sa mga Integrated Terminal Exchanges.

Bagamat hindi na maaaring magsakay at magbaba sa mga private terminals sa loob ng NCR tulad ng nakagawian ng mga pasahero, tinitiyak ng LTFRB na ligtas para sa mga pasahero ang mga bagong terminal na pupuntahan at pagmumulan ng mga provincial PUBs.

Bukod diyan, mahigpit na sinusunod ng mga nabanggit na terminal ang public health safety protocols gaya ng pagsuri sa mga pasahero bago at pagkatapos nilang sumakay ng PUB at paglalagay ng alcohol at hand sanitizer sa iba’t ibang bahagi ng terminal.