Binago ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ilang ruta ng Public Utility Jeepney (PUJ) at Public Utility Bus (PUB) mula sa Bulacan at Valenzuela na papuntang Metro Manila upang makapagserbisyo sa mga pasaherong inaasahang pupunta sa North Luzon Express Terminal (NLET) upang umuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong Bagong Taon.Narito ang mga sumusunod na modified routes base sa inilabas na Board Resolution No 156 s. 2021:
PUJ:
1) Monumento – Sta. Maria, Bulacan via NLEX (Pinapayagang magbaba at magsakay sa NLET at VGC)
PUB:
1) Monumento – NLET via VGC, NLEX (Dating Monumento – VGC via NLEX)
2) North EDSA – NLET via VGC, NLEX, Mindanao Exit (Dating North Edsa – VGC)
3) Angat, Bulacan – Monumento (pinapayagang magbaba at magsakay sa NLET)
Point-to-Point Bus:
1) Bocaue/Sta. Maria, Bulacan – North EDSA (pinapayagang magbaba at magsakay sa NLET)
Mananatili ang operasyon ng modified routes hanggang sa maglabas ulit ang LTFRB ng bagong Board Resolution upang bawiin ang naturang kautusan.Base naman sa naunang inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) na Resolution no. 101 noong ika-26 ng Pebrero 2021, lahat ng provincial PUB ay magsisimula at titigil ang biyahe sa mga Integrated Terminal Exchange.
Mahigpit din ipapatupad ang “7 Commandments” sa mga PUB kung saan dapat ginagawa ang mga sumusunod na minimum health safety protocol gaya ng:
1) Laging magsuot ng face mask;
2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono;
3) Bawal kumain sa loob ng sasakyan;
4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV;
5) Laging magsagawa ng disinfection;
6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at
7) Laging sundan ang wastong physical distancing.
May kaukulang parusa para sa mga driver at operator ng PUB na lalabag sa mga alituntunin ng ahensya at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), kabilang na ang pagkansela ng SP at pagsuspinde sa CPC o Provisional Authority (P.A.).